Mula kaliwa: GCash Public Affairs Manager Mabel M.Niala, GCash External Affairs Manager Jerome C. Lantin, GCash Chief Information and Security Officer Miguel Geronilla, PNP-ACG Director Bernard Yang, and PNP ACG Chief Investigative Officer PCol Jay D Guillermo
Pinaiigting ng PNP ACG at GCash kanilang tugon laban sa pagdami ng SMS spoofing scam sa bansa.
Dumarami na ang Pinoy na nabiktima ng mga text scam, kaya naman patuloy ang pagkilos ng Philippine National Police (PNP) at GCash upang sugpuin ang mga hacker at maprotektahan ang publiko.
Pinaiigting ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) at GCash ang kanilang kooperasyon sa kabila ng tumitinding banta ng mga SMS (short message service) spoofing scam laban sa publiko.
Ang SMS spoofing scam ay isang cybercrime scheme kung saan gumagamit ang mga hacker ng pekeng mensahe at nagpapadala ng phishing links sa texts.
Sa ganitong paraan, nagmumukhang galing sa totoong source ang scam message, at dito nakukuha ang sensitibong impormasyon ng biktima gaya ng OTP, MPIN, o account details.
"Alam namin kung gaano kahalaga ang bawat piso para sa ating mga kababayan. Kaya’t hinihikayat namin ang lahat na huwag basta magtiwala sa mga text na humihingi ng inyong personal na impormasyon," pahayag ni GCash Chief Information Security Officer Miguel Geronilla.
Batay sa ulat ng PNP ACG, umabot na sa higit 22,000 ang naitalang kaso ng cybercrime noong nakaraang taon.
Simula Disyembre 2024, nasa 1,000 indibidwal naman ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang uri ng online fraud.
"Patuloy kaming nakikipagtulungan sa GCash at iba pang ahensya upang sugpuin ang cybercriminals. Ngunit mahalaga ring makiisa ang publiko sa pamamagitan ng pag-iingat at maagap na pag-report ng anumang kahina-hinalang aktibidad," ani PNP ACG Acting Director Bernard Yang.
Samantala, pinaiigting ng GCash ang seguridad ng platform sa pamamagitan ng mas advanced na fraud detection system, 24/7 customer support, at in-app safety reminders para mapanatiling ligtas ang mga user.
Muling paalala rin ng kumpanya na huwag i-click ang kahina-hinalang link at huwag ibahagi ang OTP o MPIN sa kahit sino.
"Ang kaligtasan online ay kolektibong responsibilidad. Sa pagtutulungan ng mga institusyon at ng bawat user, mapipigilan natin ang pagdami ng mga nabibiktima ng SMS spoofing scam," saad ni Geronilla.
Ang kaligtasan ay nasa kamay ng bawat user—maging mapanuri at huwag magpaloko. Kung sa tingin mo ay nakatanggap ka ng text scam, i-report agad sa [email protected] o tumawag sa GCash hotline 2882. Maaari ding dumulog sa PNP-ACG hotline (02) 8723 0401 loc 7491.
###
About GCash
GCash is the Philippines’ #1 Finance Super App and Largest Cashless Ecosystem. Through the GCash App, users can easily purchase prepaid airtime; pay bills via partner billers nationwide; send and receive money anywhere in the Philippines, even to other bank accounts; purchase from over 6 million partner merchants and social sellers; and get access to savings, credit, loans, insurance and invest money, and so much more, all at the convenience of their smartphones. Its mobile wallet operations are handled by G-Xchange, Inc. (GXI), a wholly-owned subsidiary of Mynt, the first and only $5 billion unicorn in the Philippines.
GCash is a staunch supporter of the United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), particularly UN SDGs 5,8,10, and 13, which focus on safety & security, financial inclusion, diversity, equity, and inclusion as well as taking urgent action to combat climate change and its impacts, respectively.
For more information, please contact:
Gilda Maquilan
VP and Head of Corporate Communications
GCash
Email Address: [email protected] ¦ Facebook: http://www.facebook.com/gcashofficial

